Part 10 - "I Believe in the Holy Spirit"

The Apostles' Creed  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 60 views
Notes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Christ-Centered, Trinitarian, Spirit-Filled Church

Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa Banal na Espiritu, kung sino siya at ano ang ginagawa niya sa buhay natin at sa church natin. Karaniwan sa mga Christians ngayon, kapag Holy Spirit ang pag-uusapan, mga Pentecostals ang naiisip. And we praise the Lord dahil ginagamit din itong movement na ito para pagtuuunan natin ng pansin ang Holy Spirit na commonly neglected sa maraming mga churches. Pero katulad nga ng binanggit ko na during our series sa Apostles’ Creed, ang nais ng Diyos sa atin ay maging Christ-centered, at hindi Spirit-centered. Contrary ito sa isang Pentecostal pastor na ipinasabi sa akin na hindi dapat si Cristo ang focus ng ministry natin, at dapat daw ay yung Holy Spirit.
We disagree dahil hindi ‘yan ang emphasis ng Creed. Six articles of the Creed ay confession of what we believe about Jesus—kung sino siya (Son of God incarnate), kung ano ang ginawa niya (his death and resurrection), ano ang ginagawa niya (seated at the right hand of God), at ano ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik (to judge the living and the dead). Kapag sinabi nating Christ-centered, hindi ibig sabihing we neglect God the Father. Dahil si Jesus ang “image of the invisible God,” mas makikilala at mapaparangalan natin ang Ama kung titingin tayo kay Cristo. At hindi rin naman ibig sabihin hindi na natin papansinin ang Holy Spirit at nasa sidelines lang siya, dahil hindi rin naman natin makikilala ang Ama at Anak kung hindi siya ipapakilala sa atin ng Espiritu.
So, kung ang layunin natin sa buhay at sa church ay maging Christ-centered, we become a church na Trinitarian—we honor the Father, the Son and the Spirit and we desire to have communion with the Father, the Son and the Spirit. So habang lalo tayong nagiging Christ-centered sa buhay natin, sa Bible reading natin, sa prayer life natin, sa preaching natin, sa worship services natin, sa discipleship natin, sa engagement natin sa mundong ito, matutuklasan natin na yun pala ang ibig sabihin ng pagiging “Spirit-filled” o puspos ng Espiritu. Hindi pala yung pagsasalita ng kung anu-anong hindi mo maintindihan, o yung pagiging emotional sa worship services, or yung sa mga extraordinary na mga miracles ang pinaka-ebidensiya ng presensiya at pagkilos ng Espiritu.
Nagkakaroon tayo ng mga misconceptions tungkol sa pagkakaroon ng Spirit-filled Christian life dahil hindi natin lubos na kilala ang Holy Spirit at kung ano yung primary roles niya sa buhay natin. Kaya mahalaga itong third part ng Apostles’ Creed. Ganito ang paghahati sa Creed ayon sa Question 24 ng Heidelberg Catechism. Sa first part, pinag-aralan natin ang tungkol sa Diyos Ama at ang pagkakalikha sa atin. Sa second part ay tungkol sa Diyos Anak at ang pagliligtas sa atin. At simula ngayon, third part, ay yung tungkol sa Banal na Espiritu at yung pagpapabanal sa atin o sanctification. “I believe in the Holy Spirit; the holy catholic church; the communion of the saints; the forgiveness of sins; the resurrection of the body; and the life everlasting. Amen.”
Ngayon, dun muna tayo sa line na specific sa Holy Spirit, “I believe in the Holy Spirit.” “Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu.” Sa Latin, “Credo in Spiritum Sanctum.” Ang tanong dito ay hindi yung kung naniniwala ka ba na may Banal na Espiritu. Ang tanong dito kung ano ang pinaniniwalaan at pinagtitiwalaan mong totoo tungkol sa kanya. Hindi siya basta parang isang puwersa o enerhiya lang na parang kuryente na nagpapatakbo sa mga electric appliances, o gasolina na nagpapatakbo ng makina, o isang invisible force na fictional lang tulad ng sa Star Wars, “May the Force be with you.”
He’s a real person, fully God, and doing a significant work sa buhay natin. Meron lang lang isang tanong sa Heidelberg Catechism na specific ang focus sa Holy Spirit, but he can be found all throughout the catechism. Ika-53 tanong, “Ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol sa Banal na Espiritu?” Sagot, “Una, na Siya, kasama ng Ama at ng Anak, ay tunay at walang-pasimula at walang-hanggang Diyos. Pangalawa, Siya ay ibinigay din sa akin, upang sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ako ay makibahagi kay Cristo at sa lahat ng Kaniyang pakinabang, upang aliwin ako, at upang makasama ko magpakailanman.” So, una, tingnan muna natin ang kanyang pagka-Diyos at ang relasyon niya sa ibang persona ng Trinity. Pagkatapos, tingnan natin kung ano ang ginagawa niya sa buhay natin at kung paano tayo naman ay ikinakabit sa ugnayan ng tatlong Persona ng Trinity.

The Holy Spirit in the Trinity

So, bago natin pag-usapan kung ano ang ministry ng Holy Spirit sa ating mga Cristiano, dapat maunawaan at lubos na panghawakan muna natin yung kanyang lubos na pagka-Diyos. Yun ang starting point. Hindi siya salimpusa lang sa Trinity. He’s a full-pledged member of the Trinity. Yes, third person of the Trinity, but not the least. And not lesser than the Father, not lesser than the Son. Hindi rin siya late-comer to the party. He is co-equal and co-eternal. Pantay-pantay ang pagka-Diyos sa Trinity. Isang Diyos, tatlong Persona. Walang nauna, walang nahuli. Ang Banal na Espiritu, “kasama ng Ama at ng Anak, ay tunay at walang-pasimula at walang-hanggang Diyos” (HC Q53). Sa Athanasian Creed:
But the Godhead of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit is all one, the glory equal, the majesty coeternal. Such as the Father is, such is the Son, and such is the Holy Spirit. The Father uncreated, the Son uncreated, and the Holy Spirit uncreated. The Father incomprehensible, the Son incomprehensible, and the Holy Spirit incomprehensible. The Father eternal, the Son eternal, and the Holy Spirit eternal. And yet they are not three eternals but one eternal. As also there are not three uncreated nor three incomprehensible, but one uncreated and one incomprehensible. So likewise the Father is almighty, the Son almighty, and the Holy Spirit almighty. And yet they are not three almighties, but one almighty. So the Father is God, the Son is God, and the Holy Spirit is God; And yet they are not three Gods, but one God. So likewise the Father is Lord, the Son Lord, and the Holy Spirit Lord; And yet they are not three Lords but one Lord.
Kung napatunayan na natin from Scripture na ang Anak ay Diyos rin, kasunod na nun yung patunay ng pagka-Diyos ng Espiritu. Tinawag siyang “Spirit of God” dahil siya ay Diyos din (1 Pet. 4:14; 1 John 4:2; Eph. 4:30; Phil. 3:3). Wala siyang pasimula, hindi siya created being, dahil siya ay “eternal Spirit” (Heb. 9:14). He is “the Spirit of glory and of God” (1 Pet. 4:14). Sinabi ni Pedro kay Ananias na nagsinungaling siya sa Holy Spirit (Acts 5:3), and then sinabi niya, “You have not lied to man but to God” (v. 4), equating the Holy Spirit with God. Sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “You are God’s temple and…God’s Spirit dwells in you” (1 Cor. 3:16). Kung paanong ang Ama at Anak ay iisa, gayundin ang Espiritu at ang Ama at ang Anak ay iisa, iisang Diyos sa tatlong Persona. Hindi madaling unawain, pero madaling makita na yun ang tinuturo ng Bibliya. Sumasampalataya tayo na ang Espiritu ay tunay na Diyos dahil yun ang sinasabi ng Salita ng Diyos sa buong Bibliya.
Sa pasimula, nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay. Kasama ang Anak sa paglikha (Col. 1:16). Pati ang Espiritu kasama rin (Gen. 1:1-2). Sa pagbautismo kay Jesus, nagsalita ang Ama at ang Espiritu naman ay bumaba na parang isang kalapati (Mat. 3:16-17). Bagamat si Cristo ang usually tinatawag natin na “Redeemer,” magkakatuwang ang Ama, Anak at Espiritu sa pagliligtas sa atin. Sinugo ng Ama ang Anak, at ang Ama at ang Anak ang nagsugo sa Espiritu (John 15:26). Kaya nga ang bagong mananampalataya ay binabautismuhan natin “in the name (not “names”) of the Father and of the Son and of the Holy Spirit” (Matt. 28:19). Ang identity nating mga Cristiano ay nakakabit sa bawat persona ng Trinity, “Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin sa mula't mula pa at pinabanal ng Espiritu Santo, upang maging masunurin kay Jesu-Cristo at nilinis sa pamamagitan ng kanyang dugo” (1 Pet. 1:2). Tayo’y pinili ng Ama, tinubos ni Cristo, at tinatakan ng Espiritu (Eph. 1:4, 7, 13). Dahil Trinitarian ang pananampalataya natin, Trinitarian din ang benediction ni Paul, “Nawa'y sumainyong lahat ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo” (2 Cor. 13:14).
Kapag sinabi nating, “I believe in the Holy Spirit,” ibig sabihin ay sinasabi mong naniniwala ka sa witness ng Scripture na ang Espiritu ay tunay na Diyos, kasama ng Diyos Ama at Diyos Anak. So, do you worship him as God? Do you pray to him as God? Do you submit to his leading as God?

The Holy Spirit and Christ

Ngayon naman, before we take a look at the work of the Holy Spirit sa buhay nating mga Cristiano, tingnan muna natin yung work niya sa unang pagparito ni Cristo. Kasi, kung makikita natin na kung ang Panginoong Jesus mismo ay hindi gumagawa nang anuman independently of the Holy Spirit, mas makikita natin na lahat-lahat sa buhay natin ay nakasalalay at dapat na nakadepende sa gawa ng Espiritu.
Kung akala mo na dito lang sa line na “I believe in the Holy Spirit” binanggit ang Holy Spirit, nagkakamali ka. Paano raw ipinagbuntis si Jesus? “Conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary.” Yes, merong mahalagang role si Mary sa pagsilang kay Jesus bilang tao dahil siya ang nagdala ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Pero mas mahalaga yung work ng Holy Spirit sa incarnation ng Son of God. Dahil sa gawa ng Holy Spirit, naging reality na ang Anak ng Diyos ay naging tao rin na katulad natin, ngunit walang kasalanan hindi tulad natin na makasalanan na nang isilang.
Pero hindi dun sa incarnation nagtapos yung work ng Holy Spirit kay Cristo. Yung teaching at miracles na nagagawa niya ay sa pamamagitan ng Espiritu. Sabi niya sa simula ng ministry niya, quoting Isaiah 61, “The Spirit of the Lord is upon me, because he has anointed me...” (Luke 4:18). Yun nga ang ibig sabihin ng Christ or Messiah, “The Anointed One.” Bakit siya tinawag na Cristo? Ayon sa sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 31, “Sapagkat siya ay itinalaga ng Diyos Ama at hinirang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.” Yung prophetic and teaching ministry niya, yung priestly sacrifice niya, yung kingly rule niya nagawa at nagagawa niya sa pamamagitan ng anointing ng Holy Spirit. He’s not acting in purchasing our redemption independently. Kalooban ng Ama ang sinusunod niya sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Maging ang kamatayan niya, “Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan” (Heb. 9:14). At sa kanyang muling pagkabuhay, “pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay” (Rom. 1:4); “ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo” (Rom. 8:11).
Huwag na huwag nating paghihiwalayin ang ministeryo ng Holy Spirit sa ministeryo ni Cristo. “Christ works through the Spirit and the Holy Spirit works for Christ” (Jelle Faber, cited in A Faith Worth Teaching, 200).

The Holy Spirit and the Christian

Kung totoo ito, at talagang ito ang totoo, consider its implication sa Christian life. Kung tayo ay nakay Cristo, the Holy Spirit works for us, and we can only work through the Spirit. If we “belong to Christ Jesus” (Gal. 5:24), we “walk by the Spirit” (v. 16). We follow “the desires of the Spirit (v. 17). We are “led by the Spirit” (v. 18). Yung Christ-like character na nabubuo sa atin, yun ay dahil sa “fruit of the Spirit” (vv. 22-23). “If we live by the Spirit, let us also keep in step with the Spirit” (v. 25). Ang buhay Cristiano ay isang Spirit-filled life, “be filled with the Spirit” (Eph. 5:18). Nahihirapan tayo na mamuhay bilang mga Cristiano kasi akala natin pagkatapos na gawin ng Diyos ang pagliligtas sa atin ay sa atin na nakasalalay yung response na dapat nating gawin. Kaya kailangang ipaalala sa atin hindi lang yung “we work through the Spirit,” kundi pati rin yung “the Holy Spirit works for us.” Ito yung ikalawang bahagi ng nakita natin kanina sa sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 53 tungkol sa Holy Spirit, “Pangalawa, Siya ay ibinigay din sa akin, upang sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ako ay makibahagi kay Cristo at sa lahat ng Kaniyang pakinabang, upang aliwin ako, at upang makasama ko magpakailanman.”
Ang Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin ayon sa ipinangako ni Cristo at bilang katuparan ng Kasulatan. Malapit na noong umalis si Jesus, kaya sinabi niya sa mga disciples niya na wag malungkot. Nangako siyang hindi niya sila pababayaan (John 14:18). “Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan. Ang pag-alis ko'y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit pag-alis ko, isusugo ko siya sa inyo” (John 16:7). “Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan...siya'y mananatili sa inyo” (John 14:16-17). Siya ang magpapakilala sa atin kung sino si Cristo. “Pagdating ng Patnubay na susuguin ko mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmumula sa Ama, siya ay magpapatotoo tungkol sa akin” (John 15:26). “The Spirit of truth” ang paulit-ulit na tawag ni Cristo sa Espiritu. “When the Spirit of truth comes, he will guide you into all the truth…he will glorify me” (John 16:13-14). So, ayon kay Jesus, ang ministry ng Holy Spirit ay ituro sa atin ang katotohanan tungkol kay Cristo. He will put the spotlight on Christ.
Sinabi ni Jesus, bago siya bumalik sa langit, na hintayin nila ang pagdating ng Espiritu. Dumating nga sa araw na pinagdiriwang nila ang Pentecost. May ingay na narinig mula sa langit, tulad ng ugong ng malakas na hangin at napuno ang bahay kung saan nananalangin ang mga disciples ni Cristo. May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, napuspos sila ng Espiritu at nakapagsalita sa iba’t ibang wika (Acts 2:1-4). Unmistakeable ang evidence na tinupad ni Jesus ang pangako niya, dininig ng Ama ang panalangin niya, at, ayon sa paliwanag ni Pedro, natupad ang sinasabi sa kasulatan, “‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao’” (Acts 2:17-18; see Joel 2:28-32).
Totoo ngang iba’t iba ang spiritual gifts na meron ang bawat isang Cristiano. In that way magkakaiba tayo, merong diversity. Pero ang Espiritu ay tinanggap na “regalo” ng bawat isang Cristiano. Kung ang sinuman ay magsisi, patatawarin sa mga kasalanan, at sabi ni Pedro, “you will receive the gift of the Holy Spirit” (Acts 2:38). Yun ang pare-pareho tayo. Hindi 90% Spirit sa mga pastor, 50% sa mga deacons, 20% sa mga new Christians. We all have received the fullness of the Spirit. Yun ang ibig sabihin ng nabautismuhan tayo sa Espiritu. “In one Spirit we were all baptized into one body” (1 Cor. 12:13). “There is one body and one Spirit” (Eph. 4:4).
Dahil siya ay regalo na tinanggap natin mula sa Diyos, an undeserved gift, a gracious gift, a generous gift, God’s gift of himself to us, dapat lang na magpasalamat tayo araw-araw sa napakalaking regalong ito. Kelan ang huling araw na sinabi mo sa Diyos, “Panginoon, salamat po dahil ipinagkaloob mo sa akin ang iyong Espiritu”? Dapat lang na magpasalamat tayo at magtiwala sa Espiritu dahil hindi lang siya ibinigay na regalo na parang mga regalong matatanggap mo ngayong Pasko. Yung iba makapagbigay lang ng regalo, pero hindi mo naman magagamit, wala namang pakinabang sa ‘yo. Pero ang Espiritu na regalo ng Diyos sa atin, gumagawa, kumikilos, napakalaki ng pakinabang sa atin. Sa katunayan, buhay natin ang nakasalalay sa kanya. Siya yung “the Spirit of life” (Rom. 8:2); “the Spirit is life” (Rom. 8:10); “the Spirit [who] gives life” (2 Cor. 3:6).
Regeneration and Conversion. Kung hanggang ngayon ay nasa ilalim ka pa rin ng kasalanan, wala pang tunay na pananampalataya kay Cristo, spiritually dead ka pa rin, wala pa rin sa ‘yo ang Espiritu. Pero kung ikaw ay na-born again na, ibig sabihin, nung narinig mo ang gospel, kumilos ang Holy Spirit sa puso mo para bigyan ka ng buhay. Question 8 sa Heidelberg Catechism, “Subalit gayon na lang ba tayo kasama na wala na tayong kakayahang gumawa ng kahit anong kabutihan at puro na lang kasamaan?” Sagot, “Oo, maliban na tayo ay isilang muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.” Sabi ni Jesus, “Unless one is born of water and the Spirit, he cannot enter the kingdom of God. That which is born of the flesh is flesh, and that which is born of the Spirit is spirit” (John 3:5-6). Ang dahilan kung bakit ikaw ngayon ay nabuhay, at sumasampalataya kay Cristo, ay hindi dahil sa sarili mong willpower o dahil you are better than others. Ito ay dahil lamang sa pagkilos ng Espiritu sa isip at puso mo.
Illumination and Preaching. Kung sa sarili mo, hindi mo naman mauunawaan ang Salita ng Diyos, hindi mo makikita ang laki ng pangangailangan mo kay Cristo at ang kasapatan ng kanyang ginawa sa krus para sa ‘yo. “The natural person (the non-Christian) does not accept the things of the Spirit of God” (1 Cor. 2:14). Pero tayong mga Cristiano, nauunawaan natin. Paano? “Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu” (1 Cor. 2:10). Kaya hanggang ngayon, kapag nagbabasa tayo ng Salita ng Diyos, o nakikinig sa preaching of the Word, kailangan natin ang Espiritu. “Walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. Ang tinanggap natin ay...ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin” (1 Cor. 2:11-12). Kaya nga walang kabuluhan ang mga salitang sinasabi ko sa preaching, mababalewala ang lahat ng paghahandang ginawa ko, kung hindi kikilos ang Espiritu. Tulad ni Pablo, “Nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu” (1 Cor. 2:4, see also v. 13).
Sanctification. The Word of God is crucial sa buhay nating mga Cristiano. Mauunawaan lang natin at maisasabuhay ito sa pamamagitan ng tulong ng Espiritu. Naturally, mahina tayo. Pero dahil sa kapangyarihan ng Espiritu, magagawa natin ang nais ng Diyos na gawin natin. At ang nais ng Diyos, sa proseso ng sanctification sa atin, ay hubarin natin ang mga natitira pang kasalanan sa puso natin at palitan ng mga katangiang tulad ni Cristo. Paano natin mapapatay ang mga natitirang kasalanan? “By the Spirit” (Rom. 8:13). Paano tayo magkakaroon ng “love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control”? Sa pamamagitan din ng Espiritu. Kaya nga ito tinawag na “fruit of the Spirit” at hindi bunga ng sarili nating pagsisikap (Gal. 5:22-23).
Prayer. Kailangan natin araw-araw ang tulong ng Espiritu. Kaya kailangan tayong manalangin at hilingin na tulungan tayong maintindihan ang Salita ng Diyos, mabago ang mga hangarin ng puso natin, at makasunod sa mga utos ni Cristo. Pero paano kung hindi natin alam kung paano manalangin at ano ang dapat ipanalangin? Sa weakness natin sa prayer life, at sa kahit anong weakness, tutulungan tayo ng Holy Spirit. “The Spirit helps us in our weakness” (Rom. 8:26). Tulad ni Cristo, “the Spirit himself intercedes for us…the Spirit intercedes for the saints according to the will of God” (Rom. 8:26-27). Diyos Anak at Diyos Espiritu ang nananalangin sa Ama para sa ‘yo. Ano pa bang tulong ang kailangan mo?
Assurance. Minsan pinagdududahan natin ang Diyos at ang tulong na nanggagaling sa kanya. Nakikinig kaya ang Diyos? Itinuturing ba talaga niya ako na anak niya? Lahat nga ba ng bagay na nangyayari sa buhay ko ay para sa ikabubuti ko? Yes! Ang Espiritu ang nagkabit sa atin kay Cristo (union with Christ), at sa di-mapuputol na kaugnayan na yun ay tinitiyak ng Espiritu na lahat ng benefits na dulot ng ginawa ni Cristo sa krus ay mapapasaatin—now and for all eternity. Ang tinanggap natin ay “the Spirit of adoption as sons” at siyang nagpapatotoo sa mga puso natin na tayo nga ay tunay na mga anak ng Diyos, at mga tagapagmanang kasama ni Cristo (Rom. 8:16-17). Tinanggap natin ang Espiritu bilang tatak o “seal”—ibig sabihi’y pag-aari tayo ng Diyos, we belong to Christ, at lahat ng sa kanya ay sa atin rin. Ang Espiritu ang “guarantee of our inheritance” hanggang tuluyan na natin itong makamtan sa pagbabalik ni Cristo (Eph. 1:13-14). Gaano man katindi ang mga struggles mo sa kasalanan ngayon, gaano man kahirap ang mga pinagdaraanan mong pagsubok ngayon, heto ang assurance na meron ka. Sa huling bahagi ng sagot sa unang tanong ng Heidelberg Catechism, “What is your only comfort in life and death?”: “...by his Holy Spirit, He also assures me of eternal life, and makes me sincerely willing and ready, henceforth, to live unto him.”
Marami pa tayong mapag-uusapan tungkol sa gawa ng Espiritu sa buhay natin. Kung paano siya kumikilos sa church natin, sa ministry kapag ginagamit natin ang mga spiritual gifts na bigay niya, at sa pagdidisciple natin sa isa’t isa. Pati sa pagdidisiplina at pagsasaayos ng mga nasirang relasyon. Hanggang sa mga paghihirap natin, sa kamatayan natin, at sa muling pagkabuhay sa pagdating ni Cristo. But we have more time to talk about that sa huling tatlong bahagi ng series natin sa Apostles’ Creed.
Pero ngayon, sa introductory survey ng itinuturo ng Bibliya tungkol sa Diyos Espiritu—kung sino siya at ano ang gawa niya—dalangin ko na ma-impress sa puso ng bawat isa sa atin na nagkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan ng Espiritu, patuloy tayong nakapamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan rin ng Espiritu, at mapapasaatin ang buhay na walang hanggang sa pamamagitan ng Espiritu. The Spirit is the Spirit of life. So, essential sa salvation ang Holy Spirit. Kung wala siya, patay pa rin tayong lahat. Of course possible na sa simula hindi mo pa talaga siya kilala. Pero hindi mo makikilala ang Diyos, hindi ka sasampalataya kay Cristo, hindi ka magpapatuloy na sumampalataya, hindi ka magtatagumpay hanggang sa dulo, kung hindi dahil sa Espiritu.
Yes, may mga araw na unaware tayo, neglected siya, we are not intentional in having communion with the third person of the Trinity. Pero at work siya 24/7 para ingatan tayo, tulungan tayo, hawakan tayo, at patibayin tayo. Akala kasi natin aktibo lang siya kapag may mga extraordinary o mga kamangha-manghang bagay tayong nakikita. May nag-speaking in tongues, may himalang nangyari, maraming na-convert, nagkabalikan ang matagal nang magkahiwalay, may revival na nangyari—ayan, sasabihin natin at work ang Holy Spirit. Pwedeng totoo naman na hindi mangyayari yung mga yun kung wala ang Holy Spirit—maliban na lang kung hindi authentic at gawa-gawa lang ng tao yung mga ‘yan. Pero wag na wag nating kalilimutan na sa mga lumilipas na araw, sa mga ordinaryong bagay, sa prosesong mabagal, sa tahimik na paraan, sa mga unti-unting pagbabagong nangyayari, the Spirit is also actively at work. Wag nating babalewalain ang Espiritu at ang gawa niya sa buhay ng bawat isa sa atin.
Even at this very moment, na nagpi-preach ako ng Word of God, with full attention nakikinig ka, nagsasalita ang Espiritu, may itinuturo sa ‘yo tungkol sa Diyos, merong sinasaway na kasalanan sa puso mo, merong itinutuwid, merong binabago. Titiyakin niya na hindi masasayang ang mga salitang binitiwan ko ngayon, at ang oras na inilaan mo sa pakikinig. The Spirit is at work as God’s people gather around the Word of God.
Related Media
See more
Related Sermons
See more